(English Follows Below)
Natatanging Linggo ng Pagsamba
para sa mga Pilipinong Kasapi at Kaibigan
Malugod na inaanyayahan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang mga Pilipinong naninirahan sa Japan na dumalo sa Natatanging Linggo ng Pagsamba.
Ito ay isang natatanging pagkakataon para sa mga Pilipinong miyembro, pamilya, kaibigan, at misyonero sa Japan na magsama-sama, sumamba kay Jesucristo, palakasin ang kanilang pananampalataya, at makipagkapatiran sa isa’t isa.
Mga Detalye ng Pagtitipon
Petsa at Oras: Setyembre 13 | Linggo | 2026, 16:00–19:00
Lugar: Tokyo Temple Annex, 5-8-8 Minamiazabu, Minato-ku, Tokyo
Iskedyul
16:00–16:40 — Sakrament Miting
16:45–18:00 — Debosyonal Miting
18:10–19:00 — Pakikisalamuha
Mga Inaanyayahan
Mga Pilipinong Miyembro, mga Pamilya, mga Kaibigan, at mga Misyonero
Inaanyayahan ang mga Pilipinong naninirahan sa Japan na makibahagi sa natatanging pagtitipong ito. Malugod ding inaanyayahan ang mga pamilya at kaibigang nais matuto pa tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.
Paano Makibahagi
Maaari kayong dumalo nang personal sa Tokyo Temple Annex o makibahagi online mula saanman sa Japan sa pamamagitan ng Zoom.
Hinihikayat ang mga miyembro, pamilya, at kaibigang malapit sa Tokyo at sa rehiyon ng Kanto na dumalo nang personal.
Zoom Broadcast
Link: https://bit.ly/specialgatheing2026
Meeting ID: 952 6757 7791
Passcode: 1830
Paalala para sa mga Dadalo Online:
Sa oras ng sakramento, isasara ang video at audio ng Zoom.
Wika
Ang pagtitipon ay pangunahing gaganapin sa English, na may ilang bahagi sa Tagalog. Walang live interpretation na ibibigay.
Tungkol sa Natatanging Linggo ng Pagsamba
Ang Natatanging Linggo ng Pagsamba ay isang pagkakataon para sa mga Pilipinong miyembro, pamilya, kaibigan, at misyonero sa Japan na magsama-sama at sumamba kay Jesucristo.
Sa pamamagitan ng Sakrament Miting at Debosyonal Miting, magkakaroon tayo ng pagkakataong mapalakas ang ating pananampalataya at matuto pa tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo. Pagkatapos ng mga pulong, magkakaroon din ng oras para sa Pakikisalamuha at pagpapatibay ng pagkakaibigan.
Ano ang Sakrament Miting?
Ang Sakrament Miting ang pangunahing pulong natin sa pagsamba. Ito ay sagradong oras kung saan sama-sama tayong umaawit ng mga himno, nananalangin, nakikinig sa mga mensahe tungkol sa ebanghelyo, at tumatanggap ng sakramento—tinapay at tubig—bilang pag-alaala sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo.
Ano ang Debosyonal Miting?
Ang Debosyonal Miting ay isang pagtitipon na nakatuon sa espirituwal na paglago. Makakarinig kayo ng mga nakapagpapasiglang mensahe at karanasan na makatutulong upang mapalakas ang inyong pananampalataya kay Jesucristo at magbigay ng patnubay sa pang-araw-araw na buhay.
Ano ang Pakikisalamuha?
Pagkatapos ng espirituwal na programa, magkakaroon ng pagkakataong makilala ang iba, magkuwentuhan, at palakasin ang pagkakaibigan sa komunidad ng mga Pilipino sa Japan.
Kontak at Tulong
Kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa pagtitipon, kung paano makarating sa Tokyo Temple Annex, o kung paano makipag-ugnayan sa Simbahan sa inyong lugar, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
Mga Lokal na Lider: Makipag-ugnayan sa inyong lokal na bishop o branch president para sa karagdagang impormasyon.
Mga Tanong Online: asakuray@churchofjesuschrist.org
Special Worship Sunday Gathering
For Filipino Members and Friends
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints warmly invites Filipinos living in Japan to a Special Worship Sunday Gathering.
This will be a special opportunity for Filipino members, families, friends, and missionaries in Japan to come together, worship Jesus Christ, strengthen their faith, and build friendships with one another.
Event Details
Date: Sunday, September 13, 2026
Time: 4:00 PM–7:00 PM
Location: Tokyo Temple Annex, 5-8-8 Minamiazabu, Minato-ku, Tokyo
Schedule of Events
4:00–4:40 PM — Sacrament Meeting
4:45–6:00 PM — Special Devotional
6:10–7:00 PM — Social Gathering
Who Is Invited?
Filipino Members, Families, Friends, and Missionaries
Filipinos living in Japan are invited to participate in this special gathering. Families and friends who would like to learn more about Jesus Christ and His gospel are also warmly invited.
How to Join
You can join us in person at the Tokyo Temple Annex or participate online from anywhere in Japan via Zoom.
Members, families, and friends who live near Tokyo and in the Kanto area are especially encouraged to attend in person.
Zoom Broadcast
Link: https://bit.ly/specialgatheing2026
Meeting ID: 952 6757 7791
Passcode: 1830
Note for Online Participants:
During the Sacrament ordinance, Zoom video and audio will be turned off.
Language
The gathering will be conducted primarily in English, with some portions in Tagalog. No live interpretation will be provided.
About the Special Worship Sunday Gathering
The Special Worship Sunday Gathering is an opportunity for Filipino members, families, friends, and missionaries throughout Japan to come together and worship Jesus Christ.
Through the Sacrament Meeting and Special Devotional, participants will have an opportunity to strengthen their faith and learn more about the gospel of Jesus Christ. Following the meetings, there will also be time for a Social Gathering to connect with one another and strengthen friendships.
What Is a Sacrament Meeting?
Sacrament Meeting is our primary worship service. It is a sacred time when we gather to sing hymns, offer prayers, hear messages about the gospel, and partake of the sacrament—bread and water—in remembrance of our Savior, Jesus Christ.
What Is a Devotional?
A devotional is a gathering focused on spiritual growth. You will hear uplifting messages and experiences intended to strengthen your faith in Jesus Christ and provide guidance for daily life.
What Is a Social Gathering?
Following the spiritual program, there will be an opportunity to meet others, visit together, and strengthen friendships within the Filipino community in Japan.
Contact & Support
If you have questions about the event, how to find the Tokyo Temple Annex, or how to connect with the Church in your local area, please reach out.
Local Leadership: Contact your local bishop or branch president for more information.
Online Inquiries: asakuray@churchofjesuschrist.org